Oras na para Lumaban

Sari-saring mga opinion at pagkundena ang inihahagis sa amin ng aming mga kaibayo sa pananampalataya.   Pero ok lang yan sa akin dahil ito ay isang natural reaction na mga tao sa mga bagay na hindi nila masyadong nauunawaan.  At isa pa ang ating bansa ay isang bansang demokratiko at kahit sino ay may kalayaang magpahayag ng kaniyang sariling pananaw at paniniwala.  Nakakatuwang isipin na ang simpleng seremonya na ginawa namin sa Baguio ay magiging isang mitsa upang muling pagusapan ang same sex marriage sa Pilipinas kaalinsabay ng pagsasalegal ng same sex marriage sa New York USA.  Ginawa ko ang munting panulat na ito upang magbigay linaw sa mga isyu na ibinabato sa amin likha ng kamangmangang dulot ng mga simbahang ang nais lamang ay macontrol ang isip taong bayan batay sa sarili nilang kaisipan.

“MGA ABNORMAL”

Yan ang unang bato sa amin ng obispo ng Benguet.  Mukhang kulang na sa pagbabasa ng agham ang ating butihing obispo.  Mula pa po noong 1973 tinanggal na sa listahan ng mga International Psychiatric Associations sa USA ang homosexuality bilang isang mental disoder dahil base sa kanilang pag-aaral hindi ito isang sakit sa isip at hindi ito isang abnormality.  Ang kulet-kulit niyo naman 2011 na yan pa rin ang paniniwala niyo? O hanggang ngayon ay naniniwala pa rin kayo na ang mundo ay Flat? katulad noong panahon ni Galileo na tinuligsa siya ng simbahang romano catoliko dahil sa paniniwala niyang ang mundo ay bilog pero ipinagpipilitan ninyong flat? hay naku sinabi na ng kasaysayan at ng agham na ang mundo ay bilog.  Ngayon sino ang mali? ang simbahan o si Galileo?

Iginagalang natin ang paniniwala ng obispo ng Benguet pero sa palagay ko ang pagkakalat ng kamangmangan ayon sa Biblia ay kasalanan. Kawawa naman ang mga taong maniniwala sa kamang-mangang ito.  Ang abnormal po ay yung hindi na nagbabasa ng mga makabagong kaalaman at nananatili sa kamangmangan.  Sana obispo kayo nag-aaral kayo ng mga makabagong kaalaman, 2011 na po hindi na po ito dark ages or middle ages na gusto niyo palaging kayo ang nasusunod at nagkokontrol sa taong bayan.  Dumating na po ang katapusan ng ganitong style ng pamamalakad.

“IDEDEMANDA NAMIN KAYO”

Ito ang sinabi ng mga abugado na mukhang kailangang mag-aral ulit ng abugasiya at ng international laws. Nakalimutan nila na ang ginagawa naming Same Sex Holy Union ay bahagi ng aming sacramento at paniniwalang relihiyoso.  Ngayon kung idedemanda niyo kami go ahead hindi po kami natatakot sa inyong lahat.  Maliwanag ang ating batas sa Pilipinas:

“No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights…”

Article 3 Section 5

1987 Philippine Constitution

Ang ginagawa namin ay isang RELIGIOUS RITE.  Ibig sabihin bahagi ito ng aming paniniwala, pananampalataya at pagsamba.  Kami ay isang SIMBAHAN, isa kaming RELIGIOUS GROUP.  Ngayon kung idedemanda niyo kami dahil ito ang ginagawa namin sa aming SIMBAHAN aba sunugin niyo na ang Article 3 section 5 ng ating saligang batas. Kailangan ko pa po bang ipamemorize ulit ito sa inyo mga kapatid? Are you prohibiting the free exercise of our religious beliefs? Ang liwanag pa sa sikat ng araw ng article na ito kaya hindi na kailangang ipaliwanag ko pa ng paulit-ulit.  Sa Universal Declaration of Human Rights sa Article 18 ganito din ang nakasulat:

“Everyone has the right to freedom of thought, conscience and religion; this right includes freedom to change his religion or belief, and freedom, either alone or in community with others and in public or private, to manifest his religion or belief in teaching, practice, worship and observance….”

Ngayon kung halimbawa hindi tayo pareho ng religion, pipigilan mo ba ako na ipractice ang religion ko?  Eh hindi nga namin pinipigilan ang religion niyo? Gawin ninyo kung ano ang gusto niyong gawin kasi karapatan niyo yan, pero para idemanda niyo kami para tumigil kami sa aming religious beliefs eh mukhang pangaapi ito at pagpipigil sa aming karapatan na gawin ang aming mga pananampalataya.  Maliwanag naman sa batas ng Pilipinas at maliwanag din sa International Law na may karapatan kaming gawin ang aming paniniwala ng walang discrimination.  Ngayon kung idedemanda niyo kami burahin niyo na sa constitution ito at ilagay ninyo kayo lang ang may karapatang magpractice ng relihiyon niyo at kami walang karapatan, so pabalik tayong lahat sa dark ages.

“ILEGAL ANG GINAGAWA NIYO”

Paanong naging ilegal? eh wala naman kaming nilalabag na batas. Hindi naman kami kumukuha ng marriage license kasi wala namang marriage license para sa same sex holy union meron ba? Dapat kasuhan niyo kami kung ang license namin ay marriage para sa lalake at babae tapos nagkasal kami ng parehong lalake at babae yan jan foul kami. Ngayon wala namang batas sa Pilipinas na nagsasabing illegal o legal kaya wala kaming ginagawang labag sa batas.  Kung kami ay may ginagawang labag sa batas sana hindi na namin ito ginagawa sa publiko kundi nagtatago kami, sana hindi na kami nagpapakita sa TV para walang makaalam kasi illegal ang ginagawa namin.  Hello, may website kami kita ng buong daigdig ang dami naming pictures at may mga videos wala kaming itinatago sa madla lahat ay nakalantad patunay lang na hindi kami natatakot dahil wala kaming gingawang masama sa taong bayan. Inuulit ko walang BATAS na nagsasabing ang same sex holy union ay illegal, WALA hanapin ninyo letra por letra. kapag may nakita kayo sige ikulong niyo kami.

“SAME SEX MARRIAGE ANG GINAGAWA NIYO”

Teka lang kayo ang nagsabi na same sex marriage ang ginagawa namin, hindi kami.  Ang ginagawa namin ay HOLY UNION, ano ba magkaiba ng letra at meaning hindi niyo makuha? Ang Marriage by definition ay para sa lalake at babae lamang.  Ang Holy Union ay para sa dalawang tao kahit ano pa ang kanilang kasarian.  Sana makita niyo ang kaibahan.  Kaya hindi namin nilalabag ang family code of the Philippines.  Una hindi naman kami ngkakasal ng lalake at babae kasi hindi pa kami kumukuha ng license para jan kasi mostly ang mga simbahan namin ay para sa gays, lesbians, bisexual at transgender community eh hindi naman kami bibigyan ng marriage license para sa kanila so anong batas ang nilabag?

Alam niyo naman dito sa Pilipinas na wala tayong batas na para sa same sex marriage o against same sex marriage so anong nilabag na batas.  Ang sabi ng ilang abugado niyo eh null and void ang ginawa namin.  O kung null and void anong kaso ang pwedeng ikaso? Hindi naman pala legally binding ang ginawa namin ayon sa inyo so anong legal na kaso?

“LABAG SA BIBLIA ANG GINAGAWA NIYO”

Hay naku pumunta kayo sa bahay ko at basahin natin ang Biblia sa iba’t-ibang salin, pati sa original na Hebrew at Greek para magkaalaman kung sino talaga ang nagbabasa ng Biblia at ang hindi nagbabasa at kung sino talaga ang tama ang interpretasyon at sino ang hindi.  Bakit lahat ba ng batas sa Biblia eh sinusunod niyo? Eh sa Biblia kapag ang isang bata ay sumusuway sa magulang ang hatol ng Biblia doon ay batuhin hanggang sa mamatay?  Ginagawa niyo ba yan hello?  Biblia kayo ng Biblia palibhasa ginagamit niyo ang Biblia para i-brain wash ang mga tao, kontrolin ang isip ng mga tao para hindi na sila magisip, para magkamal kayo ng sandamukal na kwarta para sa sarili niyong kapakinabangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s